.. “Bakit mo ginagawa to? Dahil ba gusto mong magsawa ako at ako ang sumuko sa relasyon na to?”
Yung bestfriend ko, kilig na kilig sa mga nangyayari samin ni Bryan, little did she know na andaming mali samin. Na sobrang gulo na ng relasyon namin.
Last day ng school namin kanina. Tinanong ko siya kaninang umaga bago mag-exam kung hihintayin ko siya, kasi syempre gusto ko siya makasama kasi sa June na ulit kami magkikita. Alam mo ba yung sagot niya? “Uuwi agad ako, pagod ako eh”. Guise, umagang umaga yun. Pagod agad? Sana sinabi na lang niya kung ayaw niya talaga, kasi mas masakit yung ginawa niya.
Naisip ko, lagi naman ganun e. Palagi na lang ganun. So why should I be bothered anyway? Hindi ko na lang pinansin. Dumating na ko sa puntong, nakasanayan ko na. Nasanay na kong hindi ko siya katext, hindi ko siya kasama, hindi ko siya kausap. Wala, parang tawag na lang yung “In a relationship” samin.
So then ayun nga. Kanina, tinext ko siya. Sobrang haba ng text ko. basta yung last part. “Bry, wag mo naman hintayin na mafall out of love ako sayo. Nagmamakaawa na ko sayo, please.” Tapos matagal siya bago nagreply, hindi daw niya alam sasabihin niya. Ang kayang sabihin lang daw niya sorry, and I love you.
Paulit ulit na ganun na lang ba? Magsosorry siya, papatawarin ko siya, uulitin niya. Tapos ganun na naman. Hirap na hirap na ko, hindi ko alam kung anong gustong ipoint out niya. Tapos nagtext ulit ako ng dalawang long messages. Guess what? No reply at all.
Kung iisipin, wala sa itsura no? Yes, nangyayari na samin to for almost 2 months. ;)
God, please I need a stronger back..
