Dieu est Amour ∞
A small girl with big omnipresent, omnipotent and omniscient God.

J h o y i i ™ is the name. Seventeen. Chemical Engineering Student. Tumblogger from the Pearl of the Orient Seas. Christian by heart. Forever God's daughter. A daddy's little girl, and will always be.

All posts are copyrighted by the owner unless otherwise stated. That's all folks, toodles! Throw feces here.

 reader/s.
01 Jan 2013
0 ❤
Reblog

image

HOPE OF GLORY’S SPECIAL NUMBER - UNSTOPPABLE 2012

December 29,2012

Day 360 of 366 - Christmas! ♥

HAPPY BIRTHDAY JESUS!!!!!!! <3

So ayun. I think, mag12pm na nung nagising ako yesterday. Ewan ko ba, tamad na tamad ako bumangon. Haha. Tapos di pa ako naligo agad, kinikiliti na ko ng tatay ko para maligo. Mamaya lang ako ng mamaya. :))

Tapos maya-maya, biglang nagkayayaan magpicture!! Grabe, madali ako sa pagligo eh. HAHAHAHA. So ayan yung pictures.

image

Collage na lang para mas madali. Hahaha. Ang unti namin no? Hahaha. Yung Tita Pat ko kasi, yung nakasando na fuschia, ayaw pa magpakasal. HAHA. Eksaherada? Eto na talaga kami, kulang lang yung isa nilang kapatid pati yung anak nun.

After nun, niyaya ko sila mother na manood ng sine. Ang plano ko dapat, after nun, magsisimba kami. Eh wala, 5pm na yung naabutan naming sched. Ang korni ng pinanood namin!! :(

Shake, Rattle and Roll yung pinanood namin, every year kasi nanonood kami nun. HAHA. Fans? Na-ah, sulit kasi tatlong movies agad. =)) Kaso ang korni niya. Tawa lang ako ng tawa eh. Hahaha. Pero infairness ah? Gumagaling na Pinoy ngayon sa mga graphics. Yung una nga lang masyadong halatang fake. Haha.

Tapos after nun, nagtake out kami sa Jollibee. Yes, kahit anong gawin kong yaya sa ibang fastfood, fans yung nanay at tatay ko ng Jollibee. =)))

Ayun, ay nung 24 pala nagala kami ni Boyfran sa Ocean Park, well different story na yun. Tsaka ko na kwento, tinatamad pa ko maglipat ng mga pictures dito sa PC.

Merry Christmas to all. ♥

26 Dec 2012 0 ❤ Reblog
MAY ISANG TAONG NAGALIT SA AKIN

Pano kasi, nung encode-an namin sabi ko yung section namin sa SS013(Taxation) ay A13 kasi andun si Ma’am Gutierrez, little did I know na A11 pala, na naduling lang ako. HAHA. So sinabi ko sa kanila na A11 pala si maam, sabi nila onti na lang daw yung slot, hindi na kami magkakasya lahat.

Tapos sabi nila A13 na lang daw, hayaan na lang. So ayun, maya-maya nagulat ako, nagsilipatan sila sa A11, saktong offline nung isa naming kakilala, hinid pa namin alam nun. Eh syempre, hindi ako pwede umalis dun kasi ako yung nagsabi na dun kami, baka may maiwan.

Eh etong isang to, hindi nagrereply sa group. So piniem ko, sabi ko “Anung SS mo? Lipat ka sa A11, andun na kami.”, hindi siya nagreply. Sabi nung isa naming kakilala, lipat na din daw ako okay na daw yun.

Edi lumipat na ko, tapos nung gabi na, nakita ko yung post neto. Pangalanan na nga lang natin siyang Utot, hahaha. Yun kasi tawag ko sakanya. =))

Ayun nga, ang post niya, yung sched niya. A13!! Sabi ko, shet, sabi na may naiwan. Lagot ako neto. Hahaha.

Edi piniem ko si Utot, sabi ko nagfinalize ka na? Lipat ka ng A11, andun na kami lahaaaaat. Nagreply siya, sabi niya wala na daw slot. Tapos nagsorry ako. Sabi niya okay lang, pero may galit yung message.

Edi nagsorry pa rin ako, tapos di na niya nireplyan. :( Tapos nagsorry ulit ako, wala pa rin!! Piniem ko siya ulit, sabi niya “Whut?” HAHAHA.

Lastek na lalake oh, pachicks eh. Nagsorry ako, wala pa rin. Edi hiningi ko number ni Utot, edi ayun. Tinatawagan ko ayaw sagutin!! After 10 missed calls, sinagot niya.

Utot: Hello?

Jhoi: Sino to?

Utot: Sino ka rin?

Jhoi: Si *nameniya* ba to?

Utot: Oo, bakit? Sino ka?

Jhoi: Sorry na kaseeee.

Utot: Ay kaw pala, hahaha.

Jhoi: Peace na tayo.

Utot: Okay na nga.

Jhoi: Galit ka pa?

Utot: Oo.

Jhoi: Naman eh!! Sorry na kaseee.

Utot: Sige na, ayos na. Haha.

Jhoi: Talaga?

Utot: Oo, okay na.

tapos biglang nawalan ng boses, naghold yata. Kasi pati yung bg sounds nawala, edi pinatay ko na. Hahaha. Natuwa naman ako, kasi rinig mo naman kapag natutuwa yung kausap mo diba. Tapos nagsorry ulit ako sa text, di na nagreply.

Sabi ko, baka joke time. Di nagdrama ko, grabe talaga. As in, hindi ako yung taong yun!! Hahaha. Grabe, sobrang pachicks. Tapos maya-maya nagreply, sabi “Ayos na nga. :)”

Edi fine, ayon natapos na. Wala na kong kaaway. Hahahaha.

21 Dec 2012 0 ❤ Reblog
10 Dec 2012
1 ❤
Reblog

COLLIGATIVE PROPERTIES.

Project for General Chemistry 2. Directed and edited by truly yours. ;)

I JUST WANT TO THANK YOU, LORD GOD.

12/10/12

For almost 2 years na nag-aaral ako ng college. Ngayong term lang ako walang nakuhang 5.00!! Hahaha. Worth it yung bahay, school at church ko. :”>

Grabe talaga Lord, akala ko magsishift na ko eh. Haha. Ayaw mo talaga ko paalisin sa Chemical Engineering no? Haha. Sabi ko nga.. eto yung gusto Mo para sakin. Sorry, kung lagi kong nasa isip na sumuko na. Napapangibabawan ako ng kaba ko, kaya nalilimutan ko na dapat kong tapusin tong Chem Eng kasi eto yung gusto Mo sakin.

Ganito kasi yun, so Calculus kasi tinake ko ngayon, kaso nahirapan ako sa 3rd long exam at sa problem solving ng final exam kahit second take na ko, kaya sabi ko, kapag bumagsak pa ko dito, talagang magsishift na ko. Grabe, Lord God. Thank You talaga. Pumasa pa ko, hindi ko pa alam yung mismong grade. Pero Lord, kahit tres pa yun. Sobra kong nagpapasalamat sa Iyo! <3

Nakakatuwa lang din, kasi hindi Mo talaga ko pinapasa sa mga subjects ko hangga’t hindi ko nalalaman lahat ng tungkol dun. Hahaha. Soooo cuteeeee. :”>

Dun sa mga nagtatanong kung pano ko nalaman, hindi ko makita yung post ko dati na pumasa ko ng Math011 eh. Sabi ko kasi sa Kanya, makatres lang ako. Bigyan lang Niya ko ng tres, ibig sabihin yun yung gusto Niya para sakin, at tatapusin ko yun. Pero kung hindi, magsishift ako para sa Kanya.

Pero grabe, yung grade ko nun? 1.25!! Tres lang, tres lang hinihingi ko tapos sobra sobra pa yung binigay Niya. Sobra sobra Siya magbigay diba? Na hindi ko na lahat deserve to, pero sobra Niya kong mahal. :(

Lord God, may patotoo na naman ako about sa’Yo bukas sa gawain!! At mukhang papaiyakin Mo ko kapag kinuwento ko na bukas. Haha. I love You Lord God!! Manalo o matalo, still I’ll praise You. :* >:D<

10 Dec 2012 1 ❤ Reblog
21 TABS.

11/27/12

Gravityyyyyy.

Naghahanap ako ng magandang kanta na pwedeng patungan ng lyrics about chem. Nakagawa na ko dati, kaso original kase, eh hindi naman ako marunong mag-instrument. Kainis pa yung ayaw na siya yung maggitara. :(

Tapos naghahanap din ako ng help about sa Computer Programming namin. Haha. Kulang kase. Ayon.

Tapos nagrereview at inaupdate ko yung thesis namin sa filipino dahil oral defense tomorrow. o.O

Naghahanap rin ako ng video editor. Haha. Para dun sa Music Video sa Chem. Grabe, wala na naman tulugan. Haha.

27 Nov 2012 0 ❤ Reblog
330 of 366.

*Ako nasa pangalawang step ng hagdan, siya nasa una. Nakahawak siya sa bewang ko..

BRY: Angganda-ganda mo pala kapag matangkad ka. Haha.

ME: Bakit?! Hindi bagay sakin height ko?? Hindi bako maganda?!

BRY: Maganda. Tapos cute din kasi maliit ka. Pero mas maganda ka kung matangkad ka. :)

ME: Kdot.

BRY: Tara, bili tayo pampatangkad mo. Hahaha.

ME: Kaw bibili. Haha.

BRY: Osige. Ay, maggatas ka na lang araw-araw.

ME: Walang epekto.

BRY: Onga pala, araw-araw ka naggagatas simula pagkabata mo. Hahaha.

ME: Ayaw talaga. Nasa genes ko na yata talaga. Haha.

BRY: Hahahaha, onga. Liit mo eh.

25 Nov 2012 1 ❤ Reblog
NANG NAINLOVE SI BRYAN..

11/20/12

Hahahaha. Natutuwa lang ako kay Bryan dito. Laging nagawa ng paraan para magkabonding kami. Bago pa lang kasi na kami diyan, kaya ganyan yan. :))

Ikukwento ko lang sa inyo yung dating sitwasyon namin. =))

Year 2010 pa yan. Eh kasi hindi talaga ko sanay nun na parati kaming magkasama. Dati nga, kung papipiliin ako kung kanino ko gusto sumama, sa mga kaibigan ko o sa kanya, never ko siyang pinili eh. So mean. Heh. Eh ano magagawa ko. :(

Tapos kapag sabay kaming uuwi, sasabihin ko tatambay muna ko kasama yung mga friends ko dun sa katropa ko na malapit sa school. Di ko sasabihin o itatanong kung gusto niya sumama kasi ayoko talaga. Hahahaha. Iiwan ko lang siya dun sa school, tapos itetext ko na lang siya kapag susunduin na niya ko. =))

Minsan, nagawa pa ko ng dahilan para di kami ganun makapagbonding. Haha. Close naman ako sa mga guys, actually halos ng katropa ko dati mga lalaki, tomboy sorry. Hahaha. Jk. Pero kapag sa kanya, ewan ko. Naiilang lang siguro ko nun. Haha. Sabi nga nung mga kaibigan ko, kinakawawa ko daw. Lagi ko daw kasing tinatakbuhan. Haha.

Naiilang lang nga siguro, kasi ano siya. Sobrang sweet niya. Yung tipong namumulaklak na yung bunganga niya. HAHA. Grabe talaga, yung tipo bang, hindi na ko makapagsalita kasi sobrang sweet niya talaga. Tapos ang touchy niyang tao. Yung gusto niya laging nakaholdinghands, na sobra talagang naiilang ako kasi hindi ako sanay noon.

Kasi never naman ako nakaranas nun, kahit may ex na ko. Yung sa ex ko, nahahawakan lang nun dulo ng daliri ko pati yung buhok ko eh. :))

Tapos yan kasi, mahilig magsabi ng I love you, ako naman, hindi ko lagi pinapansin yun. Hahaha. Pinapansin pala, kaso hindi ko nirereplyan. Yung nakakailang I love you na siya, wala pa rin. Iba pa rin sinasabi ko. Tapos kapag magbabyebye na siya, tsaka lang ako magrereply. Hahaha. Next time, pakita ko. :)

Anlayo ko talaga dati sa ngayon. Ngayon kasi, parang gusto ko lagi ko siya kasama. Di naman yung adik na, yung parang kulang lang kapag di ko siya nakasama ganun. Pero nagtethankyou pa din ako kay God, kasi hanggang ngayon ganun pa din siya. Lagi lang talaga kaming nag-aaway. Hahahaha. :>

20 Nov 2012 1 ❤ Reblog