NAGCUTTING AKO PARA DITO.
7/23/12
Grabe! Vacant kasi kami ng 1pm to 2:30 pm. So ayun, kumain kami ng lunch sa school, pagkatapos namin kumain mayamaya nagyaya yun kasama namin, si Jeron. Finds daw kami, para siyang 7 eleven pero hindi ata sikat. Haha. Ayun, trip lang maggala bago magchem.
So ayun, pagdating namin dun. Wala, naghanap ng mabibili wala naman kami mabili. Kung ano na lang ung makuha. Haha. After nun, nung pabalik na kami. Biglang nagyaya tong si Jeron, tagaytay daw. Eh may dala siyang wheels nun. Sabi ko, may quiz sa chem. Kontra naman sila, anim kasi kami nun. Wala daw. Sabi naman ni Chua, may klase pa daw siya after ng Chem.
Tapos sabi ni Jeron, sige dun tayo magdecide sa parking ng school. Edi ayun na, etong sila Bryan naeexcite na. Kaya namimilit na ke Chua, ayon. Hanggang sa napapayag, diretso kami ng Tagaytay. =))
Wala akong pictures na mapapakita kasi hindi nag-upload si Karl! :(
Ayun, sa Picnic Grove kami nagpunta. Grabe, ang putik lang ng mga sapatos namin. Pano sa putikan kami dinala ni Karl. Hahaha. Tawa na nga lang ako ng tawa, kasi yun isa naming kasama na si Jeron sigaw ng sigaw na “Ang talino mo Karl! Haha.” Katawa lang talaga sila.
Ganda ng view nun grabe, at eto pa. Nakapang-PE uniform pa kami nun. San ka pa. Hahahaha. After nun, nagkayayaan naman sa subdivision nila Bryan. Sa South Forbes. Swimming daw kami sa Clubhouse. Eh wala kaming mga pamalit kasi nga biglaan.
Tapos eto pa, hindi pa alam ng iba naming kabarkada kung san kami nagpunta. Text na sila ng text, kaso natatakot kami baka magalit. Kasi hindi naman namin ginusto you know, biglaan lang. Haha. Ayun, tinawagan namin nung andun na kami sa South Forbes. Ayun, sinundo namin sila sa MCL. Actually, dalawa lang sila na sumunod. Haha.
Ayun nga walang dalang pamalit no. Syempre mga adik, gumawa ng paraan. Nanghiram ng damit at underwears dun kina Bryan. As in lahat ng suot namin hiram. =))

Denise, Mah, Yanie, Me
Lahat po ng suot namin ay hindi samin. HAHAHAHA.

Ako na lang daw yung mahaba ang buhok sa kanila, kami pala ni Pucca. Kaya kelangan ko na daw magpagupit para tropahan talaga. Kaso paliwanag ko, antagal ko pinahaba yung hair ko. Hahaha. Hindi naman talaga pinahaba kasi kadamonth tinitrim ko yung buhok ko, ano kasi parang antagal kong ginusto na maging ganito ung buhok ko tapos papaputol ko lang. Haha.
Dadating yung time na papaputol ko rin ng ganyan katulad ng sainyo guise. >:D<
Anyway, eto pa pala.

Jeron, Chua, Karl
Pagpasensyahan niyo na lang po yung picture. Pasintabi na lang sa nakain, hahahaha. Chos. Bench body daw kase. HAHAHA. Sexy daw kasi ng brief nila kaya nagpapic sila. Hahahaha. Kay Bryan lahat yan eh, wala siyang pic. Kasi mahiyaing bata po siya. =))

Jeron, Chua, Mah, Karl
Loko talaga to si Jeron eh, hahahahaha. Wala, trip lang nila magpicture nan. Grabe talaga, ansaya lang nung araw na yun. Kahit na nagcutting kami para diyan. Haha. Ay nako, college life. Sorry din pala sa quality ng photos, biglaan kasi kaya cam sa fone lang. Hahaha.
Mga 7:30pm siguro kami umalis ng bahay nila Bryan, hinatid naman kami. Ayun, grabe saya lang. <3