Dieu est Amour ∞
A small girl with big omnipresent, omnipotent and omniscient God.

J h o y i i ™ is the name. Seventeen. Chemical Engineering Student. Tumblogger from the Pearl of the Orient Seas. Christian by heart. Forever God's daughter. A daddy's little girl, and will always be.

All posts are copyrighted by the owner unless otherwise stated. That's all folks, toodles! Throw feces here.

 reader/s.
Day 20 of 365 - LET’S CALL IT BREAK UP.

Sunday service!! Late again -__- Grabe, palaging 9:40AM ako nagigising kahit nag-aalarm na ko. Anyways, may bago nang theme yung HGCC! Eto po:

Dibaaaa. Ikaw rin dapat! ;)
Tapos after nun, nagpunta kami sa rooftop. Nagpalipad kami ng mga lobo, nakawhite kami lahat. Hahaha. Parang commitment yun na magiging faithful kami.

Ayun, umuwi na kami ni Bryan after tapos.. Nag-away kami ni Bryan, ngayon kami ulit sobrang nag-away. Hahaha, and natutuwa pa rin ako kasi mas naging strong na naman yung relationship namin. Yep, that’s because of You! <3
Grabe talaga yung away namin, as in nanlalaki na yung mata ni Bryan. HAHAHAHA. Natatatawa ko nun e, pinipigilan ko lang kasi panira ng moment. Hahaha. Tapos ayun, nagsabi na naman ako ng break up. -.- Sorry, madali ako sumuko. Pero naayos din, pero bago yun. Kasi as in, ayaw niya makipag-ayos. Naiyak na ko, wala pa rin. Sabi niya, yung ugali ko daw ayusin ko blahblahblah.

Tinanong ko, “Kaya mo pa ba ko?

Niyakap ako bigla! Kilig si ateng. Hahahaha. Tapos sabi niya, “Oo naman, kaya kita kasi mahal na mahal kita.” Tapos kiniss ako sa noo. Hahaha. So ayun. Okay, nagkaayos na. Hahahaha. Para lang kaming mga sira ulo.

6PM na kami natapos sa kakaganun. Buti nakahabol pa kami sa Youth! Di na kami nakapagdiscipleship kasi maaga sumundo mom ni Bry. Ayun.

28 Jan 2013 0 ❤ Reblog
Day 19 of 365 - Nicole’s Debut.

Ang theme ay mixed colors. Ayun, 18 gifts ako. Nakakatuwa lang kasi antagal na pala naming magbestfriend ni Nicole. Well, actually childhood bestfriend.

image

Tapos nung ako na nagsasalita tinanong ko kung tanda pa niya yung monthsary namin, oo daw. March 9,2007!! Tagal naaaa. :)

Eto pa. Tanda pa ko nung family niya, namiss ko tuloy yung bonding namin, dati kasi nagsshortcut lang ako sa bukid, ngayon sarado na. Haha. Ayun, sinundo kami ng mom ni Bry after. ;)

28 Jan 2013 0 ❤ Reblog
OCEAN PARK ADVENTURE WITH MAH BOY
12/24/12

Hahahaha. I am in lazy mode right nao to kwento, so I’ll post pictures na lang. =))

image

All-Star Bird Show

image

Marine Life Show and Marine Habitat

image

Oceanarium

image

They’re saying Hi! Photobomb. Hahaha, chos.

image

Fish Spa, that kiliti sensation. Hahaha. Sigaw lang ako ng sigaw.

image

15 Jan 2013 0 ❤ Reblog
345 of 366
*Habang naghihintay ng cassava cake..
JHOI:Babe, gusto ko ng messageeeeeee. *pacute
BRY:Uhm, osige. *pause for few seconds.. Kahit na palagi mo akong kinakawawa, mahal pa rin kita. Kahit na palagi mo akong sinasaktan, mahal pa rin kita. Kahit na palagi mo akong inaaway at inaasar, mahal pa rin kita. Kahit na palagi mo akong inuuto, mahal pa rin kita. Kahit na palagi mo akong tinatakot, mahal pa rin kita. Kahit na palagi mo akong sinusupladahan, mahal pa rin kita. Kahit na ang taba mo, mahal pa rin kita. Kasi sa paningin ko, ang sexy sexy mo pa rin talaga. Hahaha. Ang ganda ganda mo pa sobra. Hindi kita iiwanan, kasi mahal kita. Love na love kita. I love you sooooooooooooooooooo much.
JHOI:Utoooooo.
BRY:Ikaw naman kaya laging nang-iiwan. Iniiwan mo ako lagi. ;(
JHOI:Di naman! Ikaw kaya yon.
BRY:Di kaya! Ikaw kaya lagi. Hahaha. Pero I love you.
JHOI:Haha, I love you.
BRY:*kiniss ako sa noo
10 Dec 2012 1 ❤ Reblog
Di man ako pinalad sa iba kong mga kaibigan..

image

Sobrang blessed naman ako, kasi ikaw yung boyfriend ko. :>

Kilig, hahahaha. Kahit na napakachildish mong nilalang, kahit na napakatamad mo, kahit na mas inuuna mo pa yung pagtatravian mo kesa sakin, kahit na minsan nalilimutan mo na akong itext kasi gustong-gusto mo magbasketball, kahit na hindi ka marunong mag-asikaso ng sarili mo, love na love pa rin kita. :”>

Nagkamali ako. Mali pala sinabi ko na mas advantage ang maging single. Kasi, dahil sayo, kaya ako napalapit ulit kay God, isa ka sa mga taong yun. Dahil sayo, mas naging inspired ako mag-aral. Sobrang dami ko palang advantages ngayon, kahit na in a relationship ako. Kung minsan nga, mas matured ka pa talaga sakin e.

Yung walang time limit na akala kong magiging advantage ng single ay mali pala. Yung time limit mo sakin, limit yun kung hanggang anung oras ako pwedeng nasa labas. Hindi dahil nagiging tatay kita, kundi dahil, nag-aalala ka sakin lalo na kapag hindi mo ako kasama. Yung time limit na yun, hindi para sakalin ako, kundi para malaman ko, na sobrang laki ng worth ko sayo.

Ihhhh, ang korni ko na. Hahaha. Yun lang, I love you. <3

10 Dec 2012 0 ❤ Reblog
NANG NAINLOVE SI BRYAN..

11/20/12

Hahahaha. Natutuwa lang ako kay Bryan dito. Laging nagawa ng paraan para magkabonding kami. Bago pa lang kasi na kami diyan, kaya ganyan yan. :))

Ikukwento ko lang sa inyo yung dating sitwasyon namin. =))

Year 2010 pa yan. Eh kasi hindi talaga ko sanay nun na parati kaming magkasama. Dati nga, kung papipiliin ako kung kanino ko gusto sumama, sa mga kaibigan ko o sa kanya, never ko siyang pinili eh. So mean. Heh. Eh ano magagawa ko. :(

Tapos kapag sabay kaming uuwi, sasabihin ko tatambay muna ko kasama yung mga friends ko dun sa katropa ko na malapit sa school. Di ko sasabihin o itatanong kung gusto niya sumama kasi ayoko talaga. Hahahaha. Iiwan ko lang siya dun sa school, tapos itetext ko na lang siya kapag susunduin na niya ko. =))

Minsan, nagawa pa ko ng dahilan para di kami ganun makapagbonding. Haha. Close naman ako sa mga guys, actually halos ng katropa ko dati mga lalaki, tomboy sorry. Hahaha. Jk. Pero kapag sa kanya, ewan ko. Naiilang lang siguro ko nun. Haha. Sabi nga nung mga kaibigan ko, kinakawawa ko daw. Lagi ko daw kasing tinatakbuhan. Haha.

Naiilang lang nga siguro, kasi ano siya. Sobrang sweet niya. Yung tipong namumulaklak na yung bunganga niya. HAHA. Grabe talaga, yung tipo bang, hindi na ko makapagsalita kasi sobrang sweet niya talaga. Tapos ang touchy niyang tao. Yung gusto niya laging nakaholdinghands, na sobra talagang naiilang ako kasi hindi ako sanay noon.

Kasi never naman ako nakaranas nun, kahit may ex na ko. Yung sa ex ko, nahahawakan lang nun dulo ng daliri ko pati yung buhok ko eh. :))

Tapos yan kasi, mahilig magsabi ng I love you, ako naman, hindi ko lagi pinapansin yun. Hahaha. Pinapansin pala, kaso hindi ko nirereplyan. Yung nakakailang I love you na siya, wala pa rin. Iba pa rin sinasabi ko. Tapos kapag magbabyebye na siya, tsaka lang ako magrereply. Hahaha. Next time, pakita ko. :)

Anlayo ko talaga dati sa ngayon. Ngayon kasi, parang gusto ko lagi ko siya kasama. Di naman yung adik na, yung parang kulang lang kapag di ko siya nakasama ganun. Pero nagtethankyou pa din ako kay God, kasi hanggang ngayon ganun pa din siya. Lagi lang talaga kaming nag-aaway. Hahahaha. :>

20 Nov 2012 1 ❤ Reblog
So..

Ganito yan, pauwi na kami nan sa bahay. Kasi 10am yung dismissal namin sa Calculus, tapos 2:30pm next class. So nauwi kami, every Monday and Friday. Tas nang araw na yan, nakasalubong namin si Apple. Well, I just call him Apple kasi gawa nung sa dota, laging apple na logo yung name niya. Pero Nathaniel talaga name niya. HAHA. Ayun, sabi ko picturan niya kami. HAHA.

Wala, napakawalang kwenta ng kwento ko. =))

11 Nov 2012 0 ❤ Reblog
NANGARAP SI BRUHA.

11/06/12

*nakaupo kami sa labas ng chem lab dahil may nagkaklase pa sa loob.

ME: Babe, gusto ko kapag kasal na tayo, iikutin natin mundo ha?

BRY: *nagpause* Ehhh.

ME: Ehhh ano?

BRY: Hindi tayo makakapagloving loving non. Hahahaha.

ME: Baliw to. Napaka eh. Loko-loko! Pero ayaw mo ba? :(

BRY: Ayaw. Magastos din kasi yun babe.

ME: Siya, ngayon pa lang hahanap na kita ng girlfriend mo. Kasi hindi kita papakasalan.

BRY: Iikutin na po natin yung earth. :)

ME: Hahaha, madali ka pa lang kausap eh.

Wala, nacute-an lang ako sa kanya. HAHA. :>

06 Nov 2012 1 ❤ Reblog